Gud pm Señor,
Im Onyok nag-dream po aq, iknasal kmi ble naging wife q dw ex gf q, pro nag-asawa na po aq tlga s iba, pero now ay separated n kmi, may pinhhiwtig b ito s akin? Mgkita kya o magkablikan kmi ng ex gf q? Plz dnt post my cp, ty sir
To Onyok,
Ang panaginip ukol sa kasal ay maaaring nagsasaad ng hinggil sa commitment, harmony o transitions. Ito ay nagpapakita rin na ikaw ay sumasailalim (o sasailalim) sa isang mahalagang kabanata sa iyong buhay. Ang panaginip mo ay posibleng nagsasabi rin ng pagsasama ng mga aspeto ng iyong pagkatao na noon ay magkakasalungat. Tignan ang mga katangian ng taong napanaginipan mong iyong pakakasalan o naging asawa dahil maaaring kailanganin mong isama sa iyong pagkatao ang mga karakteristik na ito. Kapag nanaginip na nagpakasal ka sa ex mo, ito ay nagpapakita rin na tinanggap mo na ang mga aspeto ng inyong relasyon at natuto ka na sa mga nakalipas na pagkakamali na may kaugnayan dito. Alternatively, maaaring nagsasaad din ang bungang-tulog mo ng pagkakahawig sa kasalukuyang karelasyon (kung mayroon man), sa naging relasyon ninyo noon ng iyong ex o sa dating karelasyon. Gayunman, dahil alam mo na ang mga pagkakapareho o pagkakahawig na ito, ito ay nagsisilbing paalala rin sa iyo upang huwag nang maulit ang mga pagkakamaling nagawa noon na nagbigay sa iyo ng labis na sakit at pighati. Posible rin na ang isa pa sa dahilan ng panaginip mo ay dahil may pagtingin ka pa rin sa dati mong kasintahan. Kung madalas kasi siyang laman ng iyong isipan, natural lang na malaki ang posibilidad na mapanaginipan mo siya. At ang posibleng dahilan din kung bakit siya laging nasa isip mo ay dahil may damdamin ka pa rin sa kanya. Subalit, maaari rin namang kaya sumagi siya sa panaginip mo ay dahil sa mga bagay na nag-trigger lang kaya siya lumabas sa iyong bungang-tulog. Ang mga halimbawa nito ay ang makita mo ang dating larawan ng iyong ex, maalala o makita ang dating regalong galing sa kanya, ma-meet o maalala mo ang mga dating kaibigan o kakilala ninyo, ang mapagawi ka sa lugar na madalas ninyong puntahan noon, ang marinig ang dating themesong ninyo at mga katulad nito. Ang panaginip mo ay maaaring nagsasaad din ng frustrations at disappointments sa iyong sarili o sa ilang mga sitwasyon na wala kang kontrol. Nagpapakita rin ito na mas nabibigyan ng diin ang repress at negatibong damdamin o nailalabas o naitutuon sa iba ang galit mo. Kailangang tignan at pagmalasakitan mo ang iyong sarili upang mas magkaroon ka ng kontrol sa iyong emosyon at mahanap mo ang iyong tunay na kaligayahan.
Señor H.