Luggage ni VP Leni Robredo nagasgas daw sa airport?
Jerry Yap
August 16, 2016
Bulabugin
NAGPAPANSIN (in English, called the attention) sa Manila International Airport (MIAA) at Cathay Pacific airlines si Vice President Leni Robredo dahil nagasgasan umano ang kanyang dalawang luggage.
Ang deskripsiyon nang ihatid sa tanggapan ni Madam Leni ang kanyang luggages nitong nakaraang Huwebes ‘e “with a lot scratches and dents.”
(Na-delay ba ang kanyang bagahe at ipinahatid ng airline?)
At sabi ng kanyang presidential aide na si Lt. Danilo Vidad mayroon pa raw mga pagtatangkang buksan ang luggages ng VP pero mukhang nabigo sila.
Wattafak?!
Mukhang gustong sabihin ng Bise Presidente ng Filipinas, gusto siyang isama sa bilang ng mga nabibiktima sa NAIA na napagnanakawan ang mga bagahe?
Weee?!
Takot lang nila.
Pero gusto po namin sabihin, Madam Leni, ganyan po talaga ang nangyayari sa mga bagahe lalo na kung itini-check-in. Normal na magasgasan ang maleta ninyo puwera lang kung stainless ‘yan.
Baka hindi po ninyo alam na inihahagis ng mga baggage loader ‘yang mga bagahe na ‘yan lalo na sa ibang bansa para mapabilis ang trabaho dahil may hinihintay ngang oras ang biyahe ng eroplano.
Kung ayaw ninyong magasgasan ang luggage ninyo, huwag po ninyong i-check-in, i-hand carry ninyo kaya, Madam Leni.
O kaya paglayan ninyo ng sticker na FRAGILE.
Pero alam ba ninyo, Madam Leni, ‘yung mga tunay na traveller hindi nila inirereklamo ang mga ganyang bagay.
Mas gusto nga nila may scratches and dents ang kanilang luggages kasi ibig sabihin no’n, frequent traveller sila.
Isa pa Ma’m Leni, masyado kaming ‘naiingayan’ sa inyo…
Umalis at dumating ka sa bansa, gusto mo nasa diyaryo ka?!
Magaling siguro kayong PR strategist kung diyan nalinya ang trabaho ninyo.
Sabi nga ng mga bagets, masyadong ‘pabebe’ na ang style ninyo.
Mahilig daw kayong magpapansin…
Malapit na nga raw kayong maging kamukha ni Kris Aquino.
Ay sus!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN – Jerry Yap