KAPURI-PURI ang ginawang project ng Goldshine Pharmaceuticals Inc., na isang 100% Filipino-owned company at makers ng Jimm’s coffee sa pagsasagawa nila ng Kapelusugan Day event para i-promote ang health and wellness.
Ang event na may tagline na Drink Healthy, Stay Healthy ay nagbigay ng free medical checkups, free Zumba sessions, free massage, at free Jimm’s coffee mix with malunggay pandesal noong ginanap ito July 30.
Mahigit 300 ang nag-participate sa Zumba session na ginanap sa Commonwealth, Quezon City. Layunin ng pagtitipon na pakatutukan ang kahalagahan ng kalusugan sa ating buhay.
Ang pagkakaroon ng healthy lifestyle ay isang indispensable na ngayon. Sa totoo lang, mayroong 358,000,000 websites ukol sa health and wellness, na iginigiit ang katotohang ang publiko ngayon ay mataas na ang awareness ukol sa kalusugan at pag-aalaga ng ating katawan.
Isa sa mga paraan para maging healthy ay maging partikular sa mga kinakain. Kaya dapat ay aware tayo sa mga kinakain natin ngayon.