Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erika Mae Salas, abot-kamay na ang mga pangarap!

00 Alam mo na NoniePOSITIVE ang pananaw ng magandang newcomer na si Erika Mae Salas pagdating sa career niya. Kahit nag-aaral, abala siya sa recording para sa kanyang debut album.

“Medyo busy po sa schooling at katatapos lang ng recording of two songs po. Three more this week or next week po. Hopefully before the end of August ay matapos na po ang mga songs sa album,” kuwento sa amin ni Erika Mae.

Ayon pa sa dalagita, masaya raw siya kapag nagpe-perform. “Masaya po at excited, basta po ine-enjoy ko na lang po ‘yung performance.”

Naging parte siya sa katatapos na mall tour ni Marion Aunor at nabanggit ni Erika Mae na malaking bagay ito sa kanya. “Isa po ako sa front acts ni Ate Marion. It’s an honor po for me na makasama ang isang Marion Aunor, napakalaking achievement po iyon para sa baguhang katulad ko.

“Napakagaling po ni Ate Marion, hindi lamang sa pagkanta pati na rin sa pag-e-entertain ng mga tao, para po siyang walang kapaguran. Ang dami ko pong natutunan sa panonood sa kanya. Halos kabisado ko na po lahat ng songs na nakapaloob sa album niya dahil sobrang gaganda po ng mga awitin nya.”

Dito’y nabanggit din ni Erika Mae na wish niyang gawan din siya ng kanta ni Marion para sa kanyang album. “Siyempre po wish ko rin na sana maigawa rin ako ng kanta ni Ms. Marion Aunor in the future. Iyong mga song po kasi niya, siya halos ang nag-compose lahat, very talented na, mabait pa po si Ate Marion,” bulalas pa ng dalagita.

Bukod sa pagiging singer, nakatakda rin gumawa ng pelikula si Erika Mae para sa Black Sampaguita Production International. Ang pelikula ay pinamagatang Reyna Engkantada at ito’y tatampukan ni Ms. Lou Baron.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …