Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ana Capri, enjoy sa takbo ng kanyang showbiz career!

00 Alam mo na NonieINE-ENJOY ni Ana Capri ang takbo ng kanyang showbiz career. Happy ang award-winning actress sa mga dumarating na proyekto sa kanya. Naging part si Ana ng TV series na All of Me ng ABS CBN at ngayo’y kasali sa Magkaibang Mundo ng GMA-7.

Sa pelikula ay kaliwa’t kanan din ang projects niya. Bukod sa indie, may mga mainstream movie na natotoka rin sa kanya.

“Sa pelikulang Barcelona nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, kasali ako roon. Bale, stepmom ako ni Daniel dito at asawa ko si Joey Marquez,” saad ni Ana.

Kuwento pa niya, “May sisimulan akong project na indie, tatlo iyon actually pero hindi pa puwedeng sabihin. Pagkatapos ng Magkaibang Mundo, gusto ko munang gumawa ng mga indie.

“Isa sa movie ko, yung Laut ni Direk Louie Ignacio na kasalukuyang pinalalabas sa mga festival ngayon. Natapos ko rin yung Latay ni Direk Carlos Morales, about sa hazing ito.”

Proud ka ba sa pelikulang Laut?

“Oo naman, proud ako!” Mabilis na sagot ng aktres. “At saka iba ang role ko roon at iba ang itsura ko roon, hehehe!

“Umaani ngayon ng papuri ang movie, di ba? Umiikot na siya at ang dami niyang festival na sasalihan sa abroad. Hindi ba naging opening siya sa Cinemalaya? Kaya proud ako sa movie na iyon, na maging part ng movie at proud ako to be working with Direk Louie.

“Hindi ba si Barbie nanalo pa roon ng Best Actress? love ko si Ms. Baby Go, ang dami niyang ginagawang project. Sana more project pa na makabuluhan sa grupo nila.”

Pahabol pa ni Ana, “Kagaya nito, nagpi-pictorial, chill lang,” nakangiting saad niya. “And gusto ko nga palang magpasalamat kay Ms. Paloma Moon, ang aking hair and make up stylist. Plus kay Don Cristobal for my gown.”

Idinagdag pa niyang happy siya na nakakalagari sa ABS CBN at GMA-7.

“Of course, masaya ako. Kasi, hindi naman lahat ay nakakagawa noon. Kaya thankful naman ako na ina-accommodate ako ng both networks. Na kinukuha talaga nila ako pareho. Na kumbaga, kapag pumunta ako sa kabilan, nakakabalik pa rin ako sa kanila, na okay lang sa kanila.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …