UMABOT sa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan nang masunog ang isang residential area sa Alabang, Muntinlupa nitong Sabado ng hapon.
Sinasabing sumiklab ang apoy nang sadyain ng isang Michael Cabalquinto na silaban ang kanyang bahay sa Purok 13, Sitio Pag-asa.
“Pagkakaalam ko may problema sa asawa (si Cabalquinto). Tapos addict pa,” anang isang residente.
Umabot sa Task Force Charlie ang sunog na nag-iwan ng P1.5 milyon danyos.
Hindi na mahagilap si Cabalquinto, ngunit maaari siyang sampahan ng kaso ng mga kapitbahay.
Humihiling ng tulong ang 1,000 indibidwal na naapektohan ng sunog.