MARARANASAN pa rin hanggang sa susunod na tatlo at limang araw ang mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Western Visayas.
Sinabi ngayon ni Pagasa forecaster Aldzar Aurelio, ang habagat pa rin na hinahatak ng low pressure area (LPA) ang dahilan ng pabugso-bugsong ulan sa mga nabanggit na lugar.
Huling natukoy ang LPA sa boundary line ng teritoryo ng Filipinas.
Kumikilos nang westward o pa-kanluran patungong bahagi ng China.
Inaasahang malulusaw rin ito.
Habang ang panibagong bagyo ay papalayo ng Filipinas at natukoy sa layong 1,955 km sa Eastern Luzon.
Wala rin panibagong bagyo na nakikita ang Pagasa na papasok sa loob ng Philippine area of responsibility sa loob ng tatlong araw.
Maganada ang lagay ng panahon sa Mindanao at bahagi ng Region 5.
Disaster Response Team pinakilos
SA PAGBUHOS NG HABAGAT PUBLIKO NAGBANTAY
INATASAN kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Defense Secretary Delfin Lorenzana na pakilusin nang todo ang Disaster Response Team para ayudahan ang mga apektado ng Habagat sa Metro Manila at karatig lugar.
Kahit nasa Davao City ang Pangulo ay nakatutok siya sa lahat ng kaganapan kaugnay sa malakas na pagbuhos ng ulan at pagbaha dulot ng Habagat.
Iniutos din niya ang preemptive evacuation sa mga lugar na maaaring lumubog sanhi nang pag-apaw ng Marikina River kahapon ng tanghali.
Ayon sa Pagasa, lumalakas ang habagat sa paghatak ng low pressure area na nasa 470km north ng Itbayat batanes.
Inaasahan na hanggang sa susunod na linggo ay magiging maulan pa rin lalo’t may namataan na isa pang LPA sa labas ng PAR na tiyak magpalalakas sa habagat
Dapat umano na naka-monitor ang mga lokal na pamahalaan sa takbo ng panahon sa linggo ng gabi para sa maagang desisyon sa suspensiyon ng mga klase.
Payo nila sa publiko lalo sa mga nakatira sa mga nabanggit na lugar manatili sa kani-kanilang mga bahay.
( ROSE NOVENARIO )
RESIDENTE NG QC AT CAMANAVA PINAYUHAN LUMIKAS
PINAYUHAN ang mga residente ng Quezon City at ng Camanava kabilang na ang mga nakatira sa Tullahan River na lumikas kasabay nang pagtaas ng red alert sa La Mesa Dam kahapon tanghali.
Una nang nagpalabas ang PAGASA ng orange warning level sa Caloocan, Navotas, Valenzuela, Quezon City at Maynila nang posibleng malawakang pagbaha bunsod nang walang tigil na buhos na ulan.
Ayon kay La Mesa plant manager Teddy Angeles, umabot na sa 79.62 meters ang level ng dam at 53 centimeters na lamang bago ito tuluyang umapaw.
Sinabi ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, handa na ang barangay sa tabi ng Tullahan River sa maaaring gawing paglikas kamakalawa.
Kamakalawa rin, nasa 100 pamilya na ang inilikas mula sa kanilang mga bahay at dinala sa barangay halls at evacuation centers.
Karamihan sa mga pamilya ay mula sa District 1 ng Quezon City at District 4 na kinabibilangan ng Masambong, Damayan at Doña Imelda.
Pinayuhan din ng alkalde ang mga residente na huwag nang lumabas ng kanilang mga bahay partkular sa ongoing construction ang mga kalsada at drainage repair projects DPWH.
Ani Bautista, kung wala namang malaking gagawin sa labas ay piliin na manatili sa bahay.