NAGPASARING si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kritikong wala na raw ginawa kundi magbilang ng mga napapatay sa maigting na kampanya laban sa illegal na droga.
Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi naman binibilang kung ilan na ba ang mga inosenteng namatay dahil sa mga durugista.
Ayon kay Pangulong Duterte, kaya hindi siya nagdalawang-isip ipapatay ang mga sangkot sa illegal na droga sa Davao City para mapatino ang lungsod.
Samantala, inihayag ni Duterte na kung makamit na ang kapayapaan sa bansa, matapos ang mga Abu Sayyaf at illegal na droga, maaari nang paupo-upo ang mga sundalo at maghintay na lamang na giyerahin ng China.
Ngunit inamin ni Duterte, wala tayong laban sa China maliban kung mano-mano at tatapatan ang Kung Fu ng mga Chinese.