Monday , April 14 2025

Bars, nightclubs sa Caloocan sorpresang ininspeksiyon

PINANGUNAHAN ni Caloocan Mayor Oca Malapitan ang biglaang inspeksiyon sa bars at nightclubs sa siyudad upang masigurong ang mga may-ari ng establisimiyento ay sumusunod sa nakatakdang standard building at labor codes.

Tiningnan din ng kasamang grupo ni Mayor Malapitan kung may health clearances ang mga nagtratrabaho sa mga lugar ng panggabing-aliwan. At upang makatiyak na ligtas sa “sexually transmitted diseases” ang mga trabahador at mga inempleyong mga babae rito.

“Patuloy naming isasagawa ang biglaang inspeksyon na ito upang masiguro nating ligtas ang mga taong nagpupunta dito, maging ang mga taong nagtatrabaho. Hindi ako mangingiming ipasara ang mga hindi susunod sa mga alituntuning ipinatutupad ng city hall,” ani Malapitan.

Kabilang sa grupo upang mag-inspeksyon ay mga personnel ng Bureau of Fire Protection, upang matiyak na may angkop na fire escape facilities; ang Business Permit and Licensing Office, para sa pagtiyak na may kaukulang dokumento upang magsagawa ng negosyo; Caloocan City Social Welfare Department (CCSWD), upang matiyak na may health cards ang mga empleyado at walang menor de edad ang nagtratrabaho; ang Environmental Sanitation Services, para sa mga sanitation requirements; at ang city administration at lokal na kapulisan.

Kabilang sa mga inikot na bars at nightclubs ang Text Mho Disco & KTV Bar, It’s Hide Away KTV Bar, Raptor’s Entertainment & KTV Bar, Glass Jhemz Entertainment Resto Bar at Rolex Disco & KTV.

Nakitaang may ilang kakulangan ang ilang mga establisimiyento gaya ng “emergency lights” para sa fire exit, habang ang ilang daanan kung may sakuna ay nahaharangan. Ang iba naman ay may hindi na gumaganang fire detection at fire extinguishers.

Ang mga empleyadong hindi nakapagpakita ng “pink cards” ay inimbitahan sa tanggapan ng CCSWD upang sumailalim sa pap smear test para mapatunayang wala silang sexually transmitted disease.

Ang mga kinakitaan nang paglabag ay binigyan ng city hall ng 15 araw upang ayusin at itama ang mga kailangan nilang dokumento upang makapag-negosyo.

( JUN DAVID )

About hataw tabloid

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *