INIUTOS ni Panglong Rodrigo Duterte sa militar na iberipika ang mga bali-balitang pumasok na sa Mindanao ang mga “indotrinators” ng ISIS upang manghikayat ng mga Filipino na sumama sa teroristang grupo.
Iniutos din niyang agad arestuhin ang sino mang mga dayuhang mapapatunayang nagpapanggap na mga misyonaryo ngunit kampon pala ng ISIS.
“I have been informed that a lot of Caucasian-looking people are conducting teachings. Walang armas, wala lahat except the guys and education. They are foreigners. I told the military to validate it, and arrest all of them and we will deport them for acts iminical to [the country],” pahayag ng Pangulo sa press briefing nitong Huwebes sa Davao City.
Matatandaan, sa kanyang talumpati sa Zamboanga del Sur nitong Miyerkoles, ibinunyag ni Duterte na may namataang mga “Arab-looking missionaries” sa ilang bahagi ng Mindanao, na pinangangambahang maging hudyat sa banta ng ISIS sa buong bansa.
“Tan-aw lang nako, three to seven years from now, magaproblema ta sa ISIS. In some parts of [the] island of Mindanao, naay mga tao na puti. I supposed mga Arabo na. They are here as missionaries. Wala silay armas. But they are into [indoctrination]. Maoy akong kahadlukan (Sa tingin ko, mga tatlo hanggang pitong taon mula ngayon, magkakaproblema tayo sa ISIS. Sa ilang bahagi ng Mindanao, may namataang mga puti na lahi. Sa tingin ko nga Arabo sila. Nandito sila bilang mga misyonaryo. Wala silang mga armas. Ngunit nag-e-indoctrinate sila. ‘Yan ang dapat nating ikatakot),” pahayag ni Duterte.
“Sama sa mga komunista… kana moy delikado kay ang ginaluto nila ang utok sa tawo (gaya ng mga komunista … nakaaalarma ito dahil kinokondisyon nila ang pag-iisip ng mga tao),” dagdag pa ni Duterte.