Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sayaw ng mga sawi, nag-trending

#CAMPSAWI

Kung may ospital para sa mga may karamdaman o may rehabilitation center para sa mga adik sa kung ano-ano, ang tanong eh kung may lugar ba para sa mga brokenhearted?

Sabi nga ng kanta, “Where do broken hearts go?” At tanong din ng isang henyo, “If the heart is the place where loge comes from, where does it go when it dies?”

Ito ang minsang itinanong ni Neil Arce sa kanyang girlfriend na si Bela Padilla. Na siya namang naging peg ng istorya ng pelikulang Camp Sawi na idinirehe ng assistant noon ni Bb. Joyce Bernal na si Irene Villamor.

Isa na ang proyektong ito sa magbubuo ng pangarap ni Bela na isang araw eh, maging kuwentista o kaya eh direktor bukod sa pagiging isang producer.

At nabuo ang kuwento. At istorya ng mga babaeng may kanya-kanyang bagahe sa pagkasawi sa pag-ibig ang gagampanan nina Kim Molina, Yassi Pressman, Andie Eigenmann, Arci Muñoz at si Bela nga.

Drama at komedi ang timpla ng pelikula na siniguro ni direk na magbabahagi ng maraming hugot sa mga umibig na, inibig pa, iibig, muling iibig at ‘yung ayaw na simula sa Agosto 24, 2016.

Kung idadaan sa sayaw ang dinaraanan ng isang sawi, ayon kay Yassi eh, limang simpleng steps lang.

Push away. Walk out. Walling. Iyak. Hugot.

Actually nag-trending na ito nang mag-viral sa social media. Ginagawa niyo na rin ba? Tara samahan na rin ang journey ng mga nasawi!

Na payag magkaroon ng totohanang Camp Sawi sa tunay na buhay!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …