Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Megan Young gagawing BF si Mark Herras

Magpapanggap si Mark Herras na boyfriend ni Megan Young ngayong Linggo (August 14) sa Conan My Beautician.

Umamin man si Conan (Mark) sa kanyang mga kasamahan sa Salon Paz na straight talaga siya at nagpapanggap lang na beki upang mapagamot ang inang may sakit, hindi pa rin nito maamin sa sarili ang nararamdaman niya para kay Ava (Megan Young).

Sa muling pagkukrus ng landas nilang dalawa, magsisimula ang isang masayang pagkakaibigan. Mahahanap ni Ava kay Conan ang lalaking makauunawa sa kanyang problema.

Isang arranged marriage kasi na ipinagpipilitan ng mga magulang ni Ava ang nais niyang takasan. Ang naisip na solusyon ng dalaga ay maghanap ng magpapanggap na kasintahan para tutulan ang nais ng kanyang mga magulang.

Si Conan ang kokontratahin niyang maging fake boyfriend.

Anong bagong hamon ang haharapin ni Conan sa panibago niyang pagpapanggap? At sa lalo nilang paglalapit ni Ava, hindi kaya tuluyan nang mahulog ang kanyang damdamin?

Mas nakakikilig at mas kapana-panabik ang Conan My Beautician ngayong Linggo, 5 p.m. pagkatapos ng GMA Blockbusters sa GMA 7.

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …