Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meg at Valerie, biktima ng human trafficking

# HUMANTRAFFICKING Rampant! Napapanahon ang kuwentong ihahatid ng MMK (Maalaala Mo Kaya) ngayong Sabado, Agosto 13, sa Kapamilya.

Itatampok sa istorya nina Julia at Denise sina Meg Imperial at Valerie Concepcion. Kasama sina Debbie Garcia, Jai Ho, at Kaiser Boado. Mula sa iskrip nina Mary Rose Colindres at Arah Jell Badayos sa direksiyon ni Garry Fernando.

Mahilig magsasali sa beauty pageant si Julia para makuha ang atensiyon ng pabaya niyang ina. At nang may mag-anyaya sa kanya na sumali sa isang cultural group sa Zamboanga ay sumama siya para lang matuklasang ang magiging trabaho niya ay isang sexy dancer.

Dito niya makikilala si Denise na isang club dancer. Naging malalim ang kanilang pagkakaibigan na masahol pa sa tunay na magkapatid. At magkasama nilang binubuno ang pagharap sa buhay.

Matapos ang ilang panahon, pin;ano nila ang lumipat na sa Cebu sa isang mas malaking club kasama ang kagrupo nila. Pero ilang marinero ang nagsumbong sa kanila sa DSWD (Department of Social Welfarw and Development) at napagbintangan na sila sa kaso ng human trafficking.

Isang biro ng tadhana. Na kinaya ba ng dalawa na harapin o takasan?

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …