Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Max Collins may kakaibang manliligaw

Isang Nursing student na may kakaibang manliligaw ang gagampanan ng Kapuso actress na si Max Collins sa episode ng Karelasyon ngayong Sabado (August 13).

Kung ang isang babae raw ay may manliligaw na laging dumadalaw sa kanya, ang dulot nito marahil ay kilig o tuwa.

Pero sa situwasyon ni Alma, kilabot at takot ang hatid ng kanyang bisita na sa panaginip lang nagpaparamdam sa kanya.

Sospetsa ng kanyang mga kaibigan, labis na stress sa pag-aaral ang sanhi ng hindi pagkakaroon ng mahimbing na tulog ni Alma.

Pero nang maging marahas na ang kanyang kakaibang manliligaw, lubos nang naapektohan ang wisyo at kasulugan ni Alma.

Guni-guni nga kaya ito ng dalaga? Paano siya makakalaya mula rito upang maipagpatuloy niya ang simple at tahimik na buhay kasama ang kanyang lola at mahal na kasintahan?

Tampok din sa episode na ito sina Rodjun Cruz at Vangie Labanan, sa panulat ni Honee Alipio at direksyon ni Zig Dulay.

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Carla Abellana tuwing Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …