Saturday , November 16 2024

Komander patay, 10 huli sa drug raid sa S. Kudarat

COTABATO CITY – Patay ang isang komander habang 10 sa kanyang mga kasamahan ang naaresto sa isinagawang drug raid dakong 5:00 am kahapon sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Kinilala ang namatay na si Ugalingan Manuel, Jr. alyas Komander Boyet.

Ayon kay Sultan Kudarat police provincial director, Senior Supt. Raul Supiter, sinalakay nang pinagsanib na puwersa ng pulisya at mga sundalo ang bahay ni Manuel sa Sitio Ogis, Brgy. Marguez, Esperanza, Sultan Kudarat, ngunit lumaban at nakipagpalitan nang putok sa mga awtoridad.

Napatay si Komander Boyet ng raiding team habang nahuli ang kanyang mga kasamahan.

Sinasabing isa rin ang sugatan sa nasabing lawless group.

Narekober ng raiding team ang isang cal. .45 pistol, AK-47 rifle, dalawang M-14 rifles, isang M203 rifle, tatlong garand rifles, isang M79, round ng RPG, dalawang rounds ng 40mm, assorted ammos, bandoliers, 10 big sachets ng suspected shabu at drug paraphernalia.

Ang mga suspek ay hawak ngayon ng pulisya at patuloy na iniimbestigahan.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *