Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yassi, susunod na pasisikatin ng Viva!

00 SHOWBIZ ms mNAKATUTUWANG malaman na next in line na pala para pasikatin si Yassi Pressman. Ito ang nalaman namin mula sa isang taga-Viva matapos ang presscon ng Camp Sawi, pinakabagong handog ng Viva Films at N2 Productions na ipalalabas na sa Agosto 24.

Ayon sa aming nakausap, nakitaan ng professionalism, galing at kabaitan si Yassi kaya naman napagdesisyonan na ng Viva management na ito na ang isunod nilang pasikatin.

“Hindi lumalaki ang ulo niyang si Yassi,” panimula ng kausap namin. “Tuwing makikita kami kahit saan bumabati ‘yan at bumebeso. At nakita n’yo naman parang siya ang nagdadala ng grupo nilang Camp Sawi noong kumanta sila. Magaling na bata talaga yang si Yassi. Kaya kahit si Ma’am Veronique (del Rosario), gustong i-push para talagang sumikat.”

Samantala, nang makausap naman namin ang dalaga, hindi pa nito masabi kung ano ang nakalaang projects sa kanya sa ABS-CBN matapos lumabas sa Pinoy Big Brother Lucky 7. Pero sinabi nitong abangan na lamang daw namin kung ano ang gagawin niya dahil hindi pa puwedeng sabihin.

“Secret pa po,” anito.

For the meantime, abala siya sa promotion ng Camp Sawi na pinagbibidahan din nina Andi Eigenmann, Bela Padilla, Kim Molina, Arci Munoz, at Sam Milby. Idinirehe ito ni Irene Villamor.

Ukol naman sa usaping PBB, agad palang nakipagkita kina James Reid at Nadine Lustre pagkalabas sa PBB si Yassi. “Pagkalabas na pagkalabas ko noong Friday night, kasi nasa Greece ang JaDine by Monday, dumiretso na agad ako sa kanila. Kasi nag-text ako sa kanila, sabi ko, ‘I’m out of the house.’ Kasi ang tagal nilang hinihintay. Kasi ‘pag nakita ko, ang daming  tweets, support, ganyan.

“Tapos sabi nila, ‘we’re leaving for Greece on Monday, come here now’, so pumunta ako roon, nag-usap kami.”

Sinabi pa ni Yassi na sa 30 days na pananatili niya sa PBB, marami na siyang napagdaanan. “Kaya paano pa sila? Tulad ni James na talagang hinahanggan ko siya na na-endure niya ang 100 days sa loob ng Bahay na Kuya.

“Pero sabi ni James he’s proud of me and then he also said that he was happy that I went to it because it’s a different experience,” kuwento pa ni Yassi.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …