Saturday , November 16 2024
dead gun police

Tulak sa showbiz, VIPs todas sa shootout

DALAWA ang patay, kabilang ang sinasabing supplier ng illegal na droga sa mga artista at diplomat, makaraan lumaban sa mga pulis sa San Pedro, Laguna nitong Huwebes ng umaga.

Isinisilbi ng mga tauhan ng Anti-Illegal Drugs Group ng pulisya ang search warrant sa sinasabing drug supplier na si Alvin Comerciante sa bahay niya sa Block 1A, Lot 10, Jasmine St. kanto ng Adelina Ave., Adelina Subdivision, San Pedro, Laguna.

Kapwa napaslang sina Comerciante at isa pang hindi nakilalalang suspek sa gitna ng operasyon.

Ayon sa mga pulis, may ilan din silang naaresto, kasama ang kinakasama ni Comerciante na si Cristine Padilla, sinasabing kamag-anak ng aktor na si Robin Padilla.      Si Comerciante ang sinasabing taga-suplay ng bawal na gamot sa ilang show business personality at diplomat.

Ginagamit din siyang hitman ng mga drug lord na nakapiit sa New Bilibid Prisons (NBP) at iba pang penal colony.

Partikular na target ni Comerciante ang mga ka-transaksiyon ng mga drug lord na nabibigong bayaran ang kinuhang droga.

Habang itinanggi ni Padilla na sangkot siya sa ilegal na gawain ng nobyo.

Katunayan aniya, sinasaktan siya ni Comerciante tuwing sinusubukan niyang iwanan ang suspek.

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang mga personalidad na suki ni Comerciante.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *