Monday , December 23 2024

Supplier ng droga ni Kerwin Espinosa napatay ng PDEA

KINOMPIRMA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), isa lamang ang presong si Edgard Allan Alvarez alyas Egay sa mga supplier ng droga ni Kerwin Espinosa sa loob ng Leyte Regional Penitentiary sa Brgy. Cagbulo, Abuyog, Leyte.

Ayon kay PDEA Region 8 Director Edgar Jubay, Abril 2011 pa nang ilipat sa Leyte Regional Penitentiary si Alvarez mula sa New Bilibid Prisons (NBP) dahil sa kasong murder.

Pahayag ni Jubay, bagama’t murder ang kaso ni Alvarez, may ibang presong kasamahan siya sa loob ng piitan ang sangkot din sa illegal na droga na posibleng pinagmulan ng operasyon.

Kinompirma ni Jubay, may mga susunod pang operasyon sa naturang piitan ngunit sa ngayon ay tumanggi ang opisyal na idetalye ito.

Napatay ang drug personality na si Edgard Allan Alvarez sa loob ng Leyte Regional Penitentiary makaraan makipagbarilan sa mga pulis kahapon ng madaling araw.

TAUHAN NI KERWIN ESPINOSA SINASANAY SA BOMB MAKING

TACLOBAN CITY – Posibleng sinasanay ang mga tauhan ng notorious drug lord sa Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa, sa paggawa ng improvised explosive device (IED).

Ito ay makaraaan marekober ng mga pulis ang aabot sa tatlo hanggang apat na kilo ng ammonium nitrate at blasting caps sa bahay ni Mayor Rolando Espinosa sa Brgy. Benolho, Albuera, Leyte.

Ayon kay Senior Supt. Jovie Espinido, hepe ng Albuera Police Station, hindi basta-basta ang dami ng ammuniom nitrate na posibleng ginagamit sa mga pag-atake.

Napag-alaman,  kayang mapasabog ng isang kilong ammuniom nitrate ang isang palapag ng isang gusali.

Nakompiska ang ilang improvised explosive device makaraan ituro ng mga tauhan ni Kerwin.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *