Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Singson mamimigay ng pera at house & lot sa mahihirap

00 SHOWBIZ ms mTIYAK marami ang matutuwang mga kapuspalad nating mga kababayan kapag nag-umpisa nang umere ang public service program ni dating Gov. Chavit Singson na posibleng mapanood sa GMA 7 o sa GMA News TV. Ito ay ang Happy Life show.

Anang Gobernador, marami na silang natapos na episodes pero kailangan pa nilang tapusin ang kabuuang 13 episodes para sa unang season ng programa bago ito umere anytime this year.

“Weekly ito at ang talagang objective namin sa show ay para mamigay ng pera, ng tulong sa mga kababayan natin. Actually, matagal na akong tumutulong, pero ang purpose ko ngayon maipalabas ito sa TV at ma-encourage ang iba pa nating mga kababayan to do the same.

“Gusto kong sabihin sa kanila na hindi n’yo madadala sa kamatayan ang kayamanan natin kaya dapat i-share sa nangangailangan. Kaya ako balak ko ipamigay lahat ng pera ko. Of course, mayroon na para sa pamilya ko, para sa mga mahal ko sa buhay pero lahat ng matitira ipamimigay ko dahil ‘di ko naman madadala, eh. Kapag iniwan ko, baka pag-awayan pa,” aniya nang makapanayam namin siya kasama ang iba pang entertainment press na naimbitahan sa kanyang Balwarte Zoo and farm sa Vigan, Ilocos Sur pahayag pa ng dating Ilocos Sur.

“In this show, deserving beneficiaries will be given the chance to travel while surprise gifts await them when they reach their journey’s end, like a house and lot. Yes, we will search for a donor or if we cannot find one, I will provide the prize myself. Through Happy Life, we also want to give a fresh start to hardworking individuals and organizations,” giit pa ng ngayo’y konsehal sa Narvacan, Ilocos Sur na si Singson.

Samantala, mapapanood ang 2nd part ng bonggang exclusive interview ni Tita Aster Amoyo kay Gov. Chavit sa kanyang Showbiz Express segment sa magazine program na Gandang Ricky Reyes ngayong Sabado, 9:00 a.m. sa GMA News TV.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …