Friday , December 27 2024

Matthew Marcos Manotoc bagong politiko sa Ilocos

PINASOK na rin ni MATTHEW MARCOS MANOTOC ang politika o direktang paraan ng paglilingkod sa ordinaryong mamamayan.

Sa edad na 28-anyos, si Matthew ang pinakabatang naglilingkod bilang board member ng Sangguniang Panlalawigan ng Ilocos Norte makaraang manalo nitong nakalipas na halalan.

Sino ba si Matthew Marcos Manotoc?

Si Matthew ay anak ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Siya ang nakababatang kapatid ni Borgy Manotoc, ang pamoso at batikang fashion model.

Bago manalo si Matthew, mahilig siya sa sports (golf) at business management (Espiritu Manotoc Basketball Management – EMBM).

Nangangahulugang mayroong malinaw na plano sa buhay si Matthew dahil mula sa paglalaro ng golf ay pinasok niya ang pamamahala sa sports, partikular sa basketball na patok na sports sa Filipinas, higit na mataas ang antas ng pananagutan sa buhay.

Nang manalo sa eleksiyon, pumutok sa Ilocos ang balita, na tila isang pelikulang pinaghahandaan ni Matthew na siya ay maging susunod na gobernador ng Ilocos Norte.

Ang nakikita natin, pinaghahandaan niya ang tapat at wastong pagli-lingkod sa kanyang mga kababayan mula ngayong 2016 hanggang 2019.

Ito’y dahil alam ni Matthew na hindi lang malawak, kundi malalim na pananagutan ang pinasok niyang larangan.

Mayroon tatlong adyenda si Matthew sa kanyang panunungkulan.

Una, isusulong ni Matthew ang ibayong pagpapahusay ng sports, dahil gusto niyang isulong ang “health and wellness advocacy.”

Ikalawa, siya ang magsisilbing “boses ng kabataan” para sa mabuti at progresibong kinabukasan.

At ikatlo, “entrepreneurship” upang maibahagi at maituro ni Matthew ang kanyang kaalaman sa pamamahala ng negosyo.

Wasto ang ginawa ni Matthew, sapagkat sa tatlong adyendang inilatag niya, patutunayan niya ang kanyang kapasidad at kayang gawin bilang isang Matthew Marcos Manotoc at hindi lamang anak ng isang Governor Imee Marcos.

Ibig sabihin, hindi lamang sa sports at pagnenegosyo, kundi maging ang direktang paglilingkod sa mamamayan na matagal nang ginagawa ng pamilya Marcos.

Ang totoo, walang dapat ipagtaka kung pagdating ng 2019 ay magpasya si Matthew na pumalit sa kanyang ina.

Naniniwala ang mga taga-Ilocos, tulad ng kanyang ina at tiyo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos II,  hindi nagpabaya sa kanilang tungkulin at pananagutan habang mga gobernador ng Ilocos Norte, sapagkat mahal na mahal nila ang kanilang lalawigan.

Kaya, nasa “tamang panahon” ang pagpasok ni Matthew Marcos Manotoc sa politika.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *