Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel Bonilla, tampok sa Voices… The Concert sa Zirkoh

00 Alam mo na NonieNASA bansa ngayon ang transgender singer at X Factor USA finalist na si Angel Bonilla. May back to back concert sila ng X Factor Israel Grand Winner na si Rose ‘Osang’ Fostanes sa Zirkoh Tomas Morato, Quezon City sa August 24, 9 PM entitled Voices …The Concert, Featuring the X Factor Stars.

Ipinahayag ni Angel na gusto niyang mabago ang pananaw ng iba ukol sa mga transgender.

“Kabilang sa misyon ko na baguhin ang paningin ng ibang tao sa transgender. Gusto ko na makita nila na kahit ano’ng gender mo, no matter who you are, if ang puso mo ay malinis at talagang ang passion mo ay nasa artistry mo, mangyayari at mangyayari na makikilala or sisikat ka,” saad niya.

Nang usisain naman kung ikinasal ba sila sa abroad ng kanyang discoverer na dating Star Magic talent, Net 25 newscaster at Philippine socialite na si Eduard Banez, “Soulmate,” ang mariing sagot ni Angel.

Walang kompirmasyon si Angel kung anong relasyon mayroon sila sa LA basta’t nagkakaintindihan daw sila. Balitang nag-iiyak at nalungkot si Eduard nang umuwi sa Pilipinas si Angel at iniwan siya.

Sa ngayon, sinabi ni Angel na gusto niyang mag-focus sa kanyang career bilang singer/composer. Pinaplantsa na rin ang album niya na siya mismo ang gumagawa ng ibang kanta. Bukod sa X-Factor USA, si Angel ay naging 2nd Runner-Up sa Discovery Inter-national Music Festival sa Varna, Bulgaria noong May 23, 2016.

Anyway, maraming kanta ang inihanda ni Angel para sa show nila sa Zirkoh with Knights Band kasama ang kanyang winning song sa Bulgaria.

Kasasama rin sa Voices… The Concert ang New Millenium Kilabot ng mga Kolehiyala at 1st Runner-Up sa Your Face Sounds Familiar na si Michael Pangilinan at ang X Factor Philippines/stand-up comedian na si Osang. Nandiyan din ang Kapuso na Star Marika Sasaki, sina Idolito Dela Cruz at Mei Cruz, ang all female group na alaga ni Jojo Veloso na The Fabulous Girlfriends at all-male group na Brat Boys, Ron Mclean ng Zero Ground, at Four Dimensions.

Sponsors dito ang BeautéDerm, Aficionado Germany Perfume, Joel Cruz Signatures, Fernando’s Bakery, Ysa Skin and Body Experts, UniSilver Time, at Sogo Hotel. Para sa ibang detalye, tumawag sa 09053595091.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …