Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andi Eigenmann
Andi Eigenmann

Andi Eigenmann, masaya sa bagong love life

00 Alam mo na NonieMASAKIT para kay Andi Eigenmann ang nangyari sa kanila ng ex-niyang si Jake Ejercito. Base sa pahayag ni Andi, nakaranas siyang ma-deny at mabalewala ng dating kasintahan. Nahirapan daw siyang mag-move-on sa simula, ngunit tapos na ang kabanatang iyon ng kanyang buhay.

Ngayon, ang sarili at ang anak ang focus ni Andi. Masaya siya sa kanyang career pati na sa love life. Umaasa rin siya na magtuloy-tuloy na ang kanyang career.  “Sana po, sana po… Sana this time ay magtuloy-tuloy na siya, pero book-2 na kumbaga. Eto na yung panahon na bumabalik ako sa industriya bilang ako, na mas sigurado sa kung sino ako bilang isang tao at bilang isang aktres. Na alam ko na what I stand and what I’m here for,” paliwanag ni Andi

Dagdag pa niya, “Gusto ko ngayon ay magtrabaho, hahaha! I mean, kasi parang before I was young, I was a teenager. Along with my career, I was also experiencing these heartaches, these personal life experiences, growing up, maturing with my parents… These struggles, all the fights… typical na teenager.

“But now I’m already 26, I have my four year old na pinu-put ko to school. I want to work, I want to make a living and I believe that the best way to do is choose a career that you’re happy with, and this is it. And it’s more about me knowing what I want to do here and how I would like to be known as.”

Paano niya ide-describe ang kasalukuyang love life?  “Well, masaya akong sobra sa kanya, kasi he noticed me and he wanted to be with me for the person that I wanted to become, for the person that I am today. Iyon yung tinanggap niya ng buong-buo, kahit na wala akong work noon e, wala akong ginagawa. Hindi niya alam na artista ako e, noong una niya akong makilala.

“So, I like that. I can really be myself, as in the person that I really am. And that’s what he loves about me.”

Si Andi ay isa sa bituin ng upcoming soap na The Greatest Love ng ABS CBN na pinagbibidahan ng batikang aktres na si Ms. Sylvia Sanchez. Kabituin dito sina Dimples Romana, Matt Evans, Arron Villaflor, at iba pa.

Mapapanood din si Andi sa pelikulang Camp Sawi ng Viva Films na showing na sa August 24. Kasama niya rito sina Bela Padilla, Yassi Pressman, Kim Molina, Arci Muñoz, at Sam Milby, mula sa panulat at direksiyon ni Irene Villamor. Dito’y magtatagpo ang landas ng lima sa isang kampo na nilaan para sa mga taong hirap makapag-move on sa heartbreak.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …