LUMAGDA ang Department of Energy (DOE) sa isang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines (IIEE) nitong Lunes, Agosto 8, 2016.
Nagkasundo ang dalawang partido na magbuo ng Task For-ces na magsasagawa ng technical audit ng generation, transmission at distribution facilities sa bansa.
Sa pahayag ni Energy Secretary Alfonso G. Cusi, sinabi niya: “It is imperative for us to immediately determine the causes, whether technical or contractual, of the current power supply situation. We have to find a lasting solution to this recurring problem as well as establishing and institutionalizing far-reaching formulae, because it is our people who are bearing the brunt of power interruptions and we cannot allow that to continue.”
Sa pro-bono basis, humingi ng tulong ang DOE sa IIEE dahil ito lang ang tanging professional association na may technical knowledge, expertise at competence na accredited ng Professional Regulatory Commission (PRC) sa larangan ng electrical engineering. Ito ay maaaring makatulong sa DOE sa paglutas ng kasalukuyang situwasyon sa koryente.
Alinsunod sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), nagkasundo ang DOE at IIEE na tingnan ang kasalukuyang meka-nismo na naglalayong tiyakin ang safety, efficiency, quality, reliability at security ng power system.
Gagamitin rin ang audit para ituwid ang mga bahid sa gene-ration-transmission-distribution chain na problema sa patuloy na delivery ng power supply. Ang kasunduan ay minabuti dahil sa sunod-sunod na power supply reserve deficiencies dulot nang biglaang pagtigil sa major plants sa Luzon.
Ang deficiencies ay nagdulot ng rotational brownouts sa Metro Manila at malapit na probinsiya sa nakaraang ilang araw.
Ang IIEE ay may 47,000 lisensiyado at may kakayahang electrical engineers at master electricians sa buong bansa.
Nasa signing ceremony sina IIEE National President Larry C. Cruz at DOE Secretary Alfonso G. Cusi, kasama sina Atty. Felix Wimpy Fuentebella (DOE Spokesperson), Mr. Ramon P. Ayaton (Executive Director), Engr. Rogelio M. Avenido (1986 National President), Engr. Alex C. Cabugao (2014 National Pre-sident), Engr. Florigo C. Varona (VP for External Affairs), Pete L. Ilagan (DOE Spokesperson), Engr. Florencio D. Berenguel (National Auditor), Engr. Ariel P. Duran (Former Metro Manila Regional Governor), Engr. Hipolito A. Leoncio (2008 National President), Atty. Gerardo D. Erguiza Jr., Engr. Arwin L. Ardon (PNOC-RC President) and Dir. Arthus T. Tenazas (DOE Legal Services). Tiniyak ng DOE sa publiko na ipagpapatuloy ang pagbabantay sa mga pang-yayari sa power industry para matiyak lahat ng possible measures sa pagresolba ng power supply situation sa bansa.