ISASALANG sa paglilitis sa Sandiganbayan ang dating alkalde ng San Sebastian, Samar na si Mayor Arnold Abalos at treasurer na si Virginia Uy.
Sa ulat, walang rekord ng remittance sa BIR ang kanilang munisipyo noong mga taon 2008 at 2009, na nagkakahalaga ng P1,272,831,63.
Sa anim na pahinang joint resolution na inilabas ng Ombudsman, pinasasampahan ang mga akusado ng paglabag sa Information for Malversation at Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Lumabas na kapwa may pananagutan sina Abalos at Uy sa pondo ng bayan ng San Sebastian sa hindi pag-remit ng tax collections sa BIR.