BINIGYANG-DIIN ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa, hindi nila tatantanan ang mga drug lord sa bansa hangga’t hindi nauubos.
Hindi takot ang PNP chief kahit armado pa ng matataas na kalibre ng armas ang mga drug lord dahil tatapatan ito ng pulisya.
Ayon kay Dela Rosa, magsasanib-puwersa ang PNP at AFP para maubos ang mga drug lord sa bansa.
Aminado siyang mataas ang standard na kanilang itinakda sa kanilang kampanya laban sa illegal drugs kaya’t gagawin nila ang lahat para sumuko at ma-neutralize ang drug personalities.
Pahayag ng PNP chief, sa ngayon ay nasa 600,000 drug personalities ang sumuko at mayroon pang 1.2 milyon ang hindi sumusuko sa mga awtoridad.
Kompiyansa si Dela Rosa na susuko rin ang mga suspek sa susunod na buwan bago matapos ang anim buwan na itinakda ni Pangulong Rodrigo Duterte na resolbahin ang problema sa illegal na droga sa bansa.