Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Unang advocacy film ni William Thio, ipapalabas na sa mga paaralan

00 Alam mo na NonieTALIWAS sa ibang independent film na namamayagpag sa industriya ngayon, ang pelikula ng TV host, news anchor, at commercial model na si William Thio ay mag co-concentrate sa pagpapalabas sa mga eskwelahan sa buong bansa simula ngayong Agosto, 2016. Gawa ito ng magpinsang independent movie producer na nagtayo ng Sparkling Stars Production, sina Johnny Mateo at Shubert Dela Cruz.

“Mahirap kasing ipalabas ito commercially dahil sa matinding problema nang piracy sa bansa. Mas gusto namin na mapanood ito ng mga kabataan na hindi na kailangan pang pumunta sa sinehan,” saad ni Johnny na siyang tumatayong promoter na rin ng pelikula.

Pinamagatang Barkong Papel, nakasentro sa istorya ang dalawang magkaibigan na mula pagkabata ay nangarap na maging successful sa buhay. Ginampanan ito nina William at ang baguhang aktor na si JC Lazaro. Ito rin ang unang proyekto nang kontrobersyal na singer na si Mystica sa kanyang pagbabalik-showbiz. Tinanggap rin ng Kapusong si Mara Alberto ang kanyang role bilang kasintahan ni William dahil sa ganda nang istorya nito.

Ilan pa sa mga tampok dito sina Junar Labrador, Anndrine Agbin, John Kenneth Caro, DJ Buddha, Lina Rowy,  Axel Fortuno, Zaito, Clark Aquino, Chino Sabile at Kiel Lloyd Isip. Ito’y sa direksyon ni Sky Dela Cruz, na kahot baguhan ngunit lumaki na sa produksyon ng kanyang amang si Shubert.

Kasalukuyang hinihintay ng pamunuan ng Sparkling Stars ang rekomendasyon ng Department of Education para madali na itong maipalabas sa mga eskuwelahan at makakuha ng isang daang porsiyentong suporta ng bawat eskuwelahang lalapitan ng grupo. Ang Sparkling Stars Production ay limang taon na sa paggawa ng makabuluhan at may-aral na pelikula na nakakuha ng DepEd recommendation gaya ng Potpot na isang anti-bullying film, Daniel na nakatuon sa environmental awareness and leadership at Salamin ng Buhay ukol naman sa mga kasalukuyang isyu ng buhay.

Sa mga interesadong maipalabas sa kanilang paaralan ang mga pelikulang ito, mag-message lamang po sa Facebook page ng Sparkling Stars Production o kay Johnny Mateo sa 09177477386 at 09215855060.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …