Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suspek sa rape-slay sumuko

BOLUNTARYONG sumuko ang 42-anyos suspek na gumahasa at pumatay sa dalagitang si Queence Star Delos Reyes, na itinapon ang bangkay sa ilog ng Soccoro sa Calapan City.

Ayon kay Provincial Director, Senior Supt. Florendo Quibuyen, isasailalim sa interogasyon ang isa sa mga suspek na si Leo James Macalalad, barangay councilor  ng San Vicente South (Bagong Pook), una nang inamin ang brutal na pagpatay sa biktima nitong nakaraang araw.

Sa himpilan ng pulisya, inamin ng suspek na ibinalot ng bedsheet, itinali at itinapon niya ang bangkay ng biktima sa nasabing ilog.

Natagpuan ang naaagnas nang katawan sa tabing highway ng Pasi boundary ng Batong Dalig sa ilog ng Socorro nitong Linggo ng umaga.

Sinasabing pinatay ang dalagita sa pamamagitan ng 21 saksak, paghampas ng matigas na bagay sa ulo at mukha kaya halos hindi na makilala, saka itinapon ang katawan sa ilog.

Napag-alaman, magkaibigan ang suspek at biktima.

Paniwala ng mga awtoridad, ginahasa ang biktima bago pinatay dahil wala na siyang panloob nang matagpuan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …