Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Romano Vasquez, bumangon at nagsikap

TULAD NG kanyang ipinangako sa sarili, bumangon, nagsumikap, at yumaman nga ang dating miyembro ng Friday group ng That’s Entertainment na si Romano Vasquez.

Live kamakailan sa Cristy Ferminute, nag-promote si Romano ng kanyang bagong album na pinamagatang Chicken Adobo. Si direk Maryo J. de los Reyes ang manager ng nagbabalik na singer.

Sa panayam namin ni Tita Cristy Fermin sa kanya, siyempre, hindi maiiwasang maungkat ang pagkagumon niya noon sa ipinagbabawal na gamot. Yes, limang taon din siyang nasadlak sa droga na malaki ang naging impluwensiya ng sinamahang tropa.

“Three years old pa lang ako noong mamatay ang nanay ko. That time, may hinahanap ako sa buhay. Malakas akong kumita noon, hanggang sa nabarkada’t nagbisyo ako. Naubos lahat ng pera ko. Kung kani-kanino ako nakikitulog, pati nga sa kalye, eh, naranasan ko ring matulog.  Kulang na lang, eh, mapagkamalan akong taong grasa,” pangungumpisal ni Romano.

Isang araw, nagdesisyon daw si Romano na tumawag sa kanyang ama upang umuwi na, “Tinanggap naman niya ‘ko. Ganoon pala ‘yon, kapag tinalikuran ka na ng buong mundo, may pamilya ka pa ring uuwian.”

Mula noon, he promised himself he’d bounce back. Doon niya nakilala si Alma na naging asawa’t ina ng kanilang dalawang anak, “Si Alma ang nagrekomenda sa akin na kumanta sa White Bird, isang gay bar sa Pasay City.”

Pero ang turning point daw aniya ng kanyang buhay ay nang magtayo na siya ng sariling negosyo. Isa na rin siyang motivational speaker ngayon sa mga nagnanais magtayo ng sariling business.

Sa lipunan na ating ginagalawan, muli nating tinatanggap ng buong higpit ang mga tao who deserve a second chance, at isa roon ay si Romano Vasquez.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …