Saturday , November 23 2024

Patay at buhay inaaliw ng strippers sa China

HINDI kadalasang naririnig ang mga salitang ‘strippers’ at ‘funeral’ na magkasamang mababanggit sa iisang pangungusap.

Kung mangyari man, ito ay maaaring kaugnay sa isang misis o fiancée na napatay ang kanyang mister o magiging mister nang mahuli sa aktong kasama ng exotic dancers.

Gayonman, China ay nagkaroon ng paraan kung paano mapagsasama ang dalawang konsepto sa kakaiba ngunit maaaring sa mauunawaang tradisyon.

Maraming mga tao ang naglalaan ng panahon para magkaroon ng maraming kaibigan. Ang mga kasama sa trabaho, kapitbahay at kapwa mga estudyante ay naghahanap ng mga taong kapareho nila ng interes o hilig. Ito ay maaaring paraan upang makakuha ng social support network. Minsan naman, ito ay dahil sa pagnanais na maging popular.

Ang Chinese tradition nang pagkakaroon ng strippers sa burol ay nasa pangalawang kategorya. Ang gawaing ito ay madalas na nangyayari sa Taiwan.

Sa nakaraang mga siglo, ang mga mananayaw ay nagbibigay ng aliw sa mga burol upang marami ang makipaglamay at upang maging tanyag ang pumanaw.

Naniniwala rin ang mga nagdadalamhati na dahil ito, higit na magiging matagumpay at mayaman ang namatay sa kabilang buhay.

Ngunit karagdagan lamang dito ang strippers. Ang kanilang pag-iral ay naging tampok sa serye ng videos na kumalat sa social media. Ang pinakatanyag na videos ay noong 2015 sa burol ni Mr. Jian.

Dalawang strippers na nakasuot ng black leather bikini tops, thongs, at knee high leather boots ang gumiling-giling paikot sa kabaong ni Jian.

At habang sumasayaw ang strippers ay mistulang nanonood sa kanila ang malaking larawan ng yumao.

Sa tatlong kanta ay maraming naakit na mga tao ang mga stripper para makipaglamay hanggang sa ilipat ng pamilya ang kabaong sa mas pribadong lokasyon.

Ngunit hindi ito sinasang-ayonan ng Ministry of Culture, idiniing ang gawaing ito ay ‘uncivilized”. Mabuti na lamang at hindi tuluyang naghubad ang mga stripper.

Sa isang burol sa Hebei Province, isang stripper ang naghubad ng kanyang bra na paglabag sa China’s obscenity law laban sa public nudity.

Pinagmulta ng gobyerno ang stripper at ang entertainment company para sa nasabing indecent behavior.

Bagama’t nakahanda ang Chinese authorities na pigilan ang ganitong gawain, ang mga lalaking malapit nang mamatay ay hindi ito tinututulan.

Reklamo ng ilan, mawawala ang pagkakataon nilang magkaroon nang mas mataas na status.

Habang sinabi ng isang Mr. Jong, naitampok sa National Geographic video, nais niyang magkaroon ng butas sa kanyang kabaong upang mapanood niya ang pagsasayaw ng mga stripper mula sa kabilang buhay. (WEIRD ASIA NEWS)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *