Huwag ninyong ikanal si Immigration Commissioner Jaime Morente!
Jerry Yap
August 10, 2016
Bulabugin
Hindi na raw lingid sa kaalaman ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre ang sandamakmak na Personnel Orders at ilang appointments na ini-implement ng Bureau of Immigration (BI) na hindi dumaan sa approval ng departamento.
Ilang personalidad mula sa Bureau ang ipinatawag na umano ng kalihim para i-verify ang natanggap niyang impormasyon na tila masyadong minadali ang issuance ng POs, ganoon din ang appointments ng ilang division and section chiefs.
May ilan daw kasing personalidad ngayon sa Bureau of Immigration na nabigyan ng mataas na posisyon na na-violate ang nasabing reglamento.
Isang memorandum circular din mula sa Civil Service Commission ang nakarating sa tanggapan ni SOJ Aguirre na nagsasaad ng “Prohibition” para i-designate na consultant, contractual and non-career employees para sa mga posisyon na magkokontrol sa mga regular and organic employees.
CSC na ang nagsalita kaya saan ka pa?!
‘Yan na nga ba ang sinasabi natin!
Obviously hindi ini-inform si Comm. Morente ng mga nakapaligid sa kanya na puro liars ‘este’ lawyers na may existing memorandum circular na sinusunod para sa mga gustong ipuwesto sa BI.
Bakit parang tuloy-tuloy na misinformed si Comm. Morente kung ano ang tamang proseso sa bureau?
Sabagay what would you expect sa Mison’s forever friends and De Lima followers sa paligid ni Morente?!
Baka nga naman sa ganitong mga bulilyaso, muling masungkit ng godfather nilang si Miso ‘este’ Mison ang BI commissionership?!
Kung patuloy na ganito ang gagawin ng mga nasa OCOM, hindi malayo na matulad ang kapalaran ni Commissioner Morente sa mga sinundan niyang sina Commissioners David Dayunyor at Pabebe boy Mison?!
We just hope you realize this early, Mr. Commissioner, before it’s too late…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN – Jerry Yap