Friday , December 27 2024

Duterte’s narco-list marami pang kulang

Bukod daw sa luma na ang listahan marami pang kulang.

Reaksiyon ito ng mga residente na nagtataka kung bakit wala sa listahan ang mga kilalang local government officials sa kani-kanilang lugar na sangkot sa ilegal na droga.

Sa Maynila lang — bantad na bantad dito ang isang kilalang ‘kupitan’ na sa tagal ng serbisyo sa MPD ‘e ni hindi napabalitang nakatimbog ng tulak o adik sa mga lugar na kanyang kinatalagahan na kilalang talamak ang ilegal na droga.

Isang pulis din sa 6th district ng Maynila na alias “Tata Rukruk” na notoryus na tongpats ng mga tulak ay wala sa listahan.

Sa Pateros, pamangkin ng isang LGU official ang number 1 tulak kaya walang magawa ang mga pulis doon.

E alam na alam naman ng mga lespu, kapag may nahuhuling pusher o adik, ang mga unang-unang uma-arbor ay barangay officials o konsehal sa kanilang distrito.

E bakit ‘yung mga uma-arbor na ‘yan wala sa Duterte’s Narco-list?!

O ‘di ba?!

Dapat siguro sa susunod na narco-list e ma-kompleto na ni C/PNP DG Ronald ‘bato’ Dela Rosa bago niya muling ipasa kay Pangulong Duterte.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *