Saturday , November 16 2024

Drug lords naki-team up sa ISIS, BIFF para patayin sina Duterte, Bato

NAKIPAGSANIB-PUWERSA ang drug lords sa mga miyembro ng jihadist group ISIS at local group Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) para patayin si Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Philippine National Police chief, Dir. Gen. Ronald dela Rosa.

“May mga drug lord na nagbabayad, umaabot na sa personalities sa ISIS at BIFF. Lumalapit na sila dahil nahihirapan na sila maghanap ng tirador. To the extent na roadside bomb, car bomb (na ang gagamitin),” pahayag ni Dela Rosa sa press conference sa Davao City nitong Martes.

Ayon kay Dela Rosa, maging siya ay target na rin ng drug lords dahil sa pinatindi nilang kampanya laban sa illegal na droga.

“Sa totoo lang they are now moving heaven and earth,” aniya.

Sinabi ni Dela Rosa, nakatatanggap siya ng mga banta ngunit binigyang-diin na hindi siya natatakot.

“Sanay naman tayo. Tatanggapin ko. I am ready to die anytime. Di ako takot mamatay. Di tayo natatakot diyan. Bahala sila,” aniya.

“Bahala na si Lord kung gusto niya mamatay na si Presidente, kung gusto niya mamatay na ako. He can take my life anytime. ‘Wag kayong mag-alala hindi ako takot,” dagdag ni Dela Rosa.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *