Saturday , November 16 2024

Metro Manila mayors sunod na tutukuyin

ISUSUNOD na tutukuyin ang Metro Manila mayors na sangkot sa illegal drug trade kaya hindi dapat maging kampante lalo’t hindi pa tapos si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbubunyag ng mga pangalan ng narco politicians, pahayag ni Interior Secretary Ismael Sueno kahapon.

Ayon kay Sueno, patuloy na nangangalap ng ebidensiya ang mga awtoridad laban sa mga mga opisyal sa Metro Manila na sangkot sa drug rings.

“Basta taga-Metro Manila talagang validate nang validate iyan kasi talagang iniipon iyong mga ebidensiya laban sa kanila,” aniya.

Aniya, walang palulusutin si Duterte maging sino man, ipinuntong ang ilan sa mga tinukoy ng Pangulo sa listahan ng narco-politicians ay kanyang mga kaibigan.

Nauna rito, mahigit 150 indibidwal mula sa local governments, law enforcement agencies at hudikatura ang tinukoy ng Pangulo bilang drug protectors at drug lords.

Aniya, ang ilan sa mga binanggit ay handang magpaimbestiga sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ngunit wala pang umaamin sa alegasyon ni Duterte, maging ang sinasabing notoryus bilang drug protectors.

“Normal lang iyan. Talagang hindi naman aamin iyan, sila,” aniya.

2ND TOP DRUG LORD SA CENTRAL VISAYAS KAKASUHAN NA NG PNP

TINIYAK ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa, sasampahan nila ng kaso ang sumukong number 2 top drug lord ng Central Visayas na si Franz Sabalunes.

Sinabi ni Dela Rosa, sa ngayon hinahanapan na nila kung anong kasong isasampa laban sa sumukong drug lord.

Sa pagharap ni Sabalunes sa mga miyembro ng media, tahasan niyang inamin na siya ay drug lord.

Si Sabalunes ay ‘downline’ ni Jaguar Diaz na siyang number 1 drug lord sa nasabing rehiyon, at ang source ng kanilang droga ay si Peter Co, kasalukuyang nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon sa PNP chief, ikinuwento sa kanya ni Sabalunes kung paano ang modus ng kanilang shipment mula Bilibid patungong Cebu.

Sinabi ni Dela Rosa, batay sa pahayag ni Sabalunes, buwan-buwan mayroon silang ginagawang delivery ng droga na umaabot sa 15 kilo.

Isinasakay nila ang kontrabando sa SUV na high-end nang sa gayon hindi masita habang bumibiyahe at pagdating doon sa Cebu ay ipinaparada sa parking area ng Gaisano mall at dito na nagaganap ang pamamahagi ng droga.

Ngunit sa nais na mapalaki pa ang negosyo, tumiwalag siya sa grupo ni Jaguar.

“Ngayon he is already at par with Jaguar Diaz as far as operations of the drug trade in Central Visayas. He may be ranked number 2 dahil number 1 pa rin si Jaguar Diaz but maybe at par sila dahil hindi na siya dumadaan kay Diaz,” wika ni Dela Rosa.

SUSUKONG NARCO-POLITICIANS TATANGGAPIN NG PNP

TATANGGAPIN at ipoproseso ng pamunuan ng pambansang pulisya ang susukong mayors, judges at PNP personnel na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa illegal drugs.

Ayon kay PNP-PIO spokesperson S/Supt. Dionardo Carlos, magtatalaga sila ng mga tauhan para iproseso ang sumukong indibidwal.

Sa PNP Multi-Purpose Center tatanggapin ng PNP ang mga susukong alkalde, judges at PNP personnel.

Ang mga tauhan ng PNP-CIDG ang siyang haharap sa mga napasama sa listahan na narco-officials habang ang mga tauhan ng PNP Internal Affairs Service (IAS) ang aasikaso sa police personnel na sangkot sa illegal drugs.

KASO VS DRUG PERSONALITIES TITIYAKING PULIDO

MASUSING pinag-aaralan ng PNP ang mga testimonyang ibinigay ng sumukong drug personalities para makabuo nang matibay na kaso ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Hindi nadaraan sa mabilisan ang pag-iimbestiga sa drug personalities na naglulutangan sa Kampo Crame para isuko ang mga sarili o kaya ay para linisin ang kanilang pangalan.

Sinabi ni Police Chief Insp. Atty. Roque Merdeguia ng CIDG Legal Division, kailangan pulido ang ihahaing asunto laban sa mga drug suspect upang hindi ito ma-teknikal at mauwi lamang sa wala.

Kaya masusi at maingat aniya nilang pinag-aaralan ang inihahaing judicial affidavit na isinusumite sa CIDG ng mga drug personality bago isampa ang kaso sa kaukulang korte.

Ayon kay Merdeguia, may kani-kanyang nakatoka ang sistemang ipinaiiral ngayon ng CIDG para matutukan nang husto ang bawat kasong isinasampa ng PNP laban sa nagsusulputang drug personalites.

Umaasa si Merdeguia na makapupuntos ang pamahalaan o ang PNP sa mga kasong ito laban sa narco politicians at iba pang mga personalidad kasama ang mga huwes, pulis, sundalo, mga miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP) lalo pa’t may mga pauna nang intelligence reports na hawak si Pangulong Duterte laban sa kanila.

Malaking factor din aniya ang pag-amin mismo ng drug personalities para maidiin sila sa kaso.

Banta ni Gen. Bato
NARCO COPS PAPATAYIN KAPAG ‘DI NAGBAGO

GALIT na hinarap ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa ang mga pulis na sangkot sa illegal drugs na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Binantaan ni PNP chief ang sumukong mga pulis na papatayin kapag hindi tumigil sa kanilang pagkakasangkot sa droga.

Hiling ni Dela Rosa, ibunyag na ang mga nalalaman nila sa illegal drugs.

Nasa 32 pulis at isa ang retirado ang nagtungo kahapon sa Camp Crame para isumite ang kanilang mga sarili at sumailalim sa custodial investigation.

Binantaan ng PNP chief ang nasabing mga pulis na ‘papatayin’ sakaling hindi pa magbagong buhay.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *