Friday , November 15 2024

Kriminalidad sa QC bagsak kay S/Supt. Lorenzo Eleazar

HINDI baleng lima na lang ang matirang pulis sa Quezon City Police District (QCPD) basta’t maaasahan para sa mamamayan kaysa naman mag-aalaga ako ng marami na pawang scalawags o ninja cops naman.

Ito ang madalas na sinasabi ni QCPD director S/Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa tuwing may sinisibak siyang pulis — opisyal man o police officer, sa patuloy niyang paglilinis sa hanay ng QCPD bilang tugon sa kampanya ni Pangulong Duterte laban  sa bad elements sa pamahalaan kabilang rito ang PNP.

Ang paglilinis ni Eleazar sa QCPD ay batay na rin sa direktiba nina PNP chief  P/Director General Ronald “Bato” Dela Rosa at NCRPO director P/Chief Superintendent Oscar Albayalde.

Kung susumahin,  umaabot na sa 90 pulis QC ang sinibak ni Eleazar sa kanilang assignment – karamihan ay mulang anti-illegal drug units, dahil sa pagbebenta ng shabu mukla nakokompiska sa mga naaaresto pushers.

Isa rin sa sinibak ni Eleazar si Supt. Victor Pagulayan naging hepe ng Talipapa Police Station 3 dahil hindi (umano) epektibo ang opisyal sa kampanya ng PNP laban sa kriminalidad lalo ang laban sa ilegal na droga.

Si Pagulayan ay itinapon na sa ARMM.

Bunga ng paglilinis sa QCPD ni Eleazar bagamat isang buwan pa lamang siya bilang  director ay napakaganda na ng resulta ng kanyang kampanya at ipinakitang  leadership sa command.

Hindi lamang ang tulakan ng droga ang napababa ng opisyal sa suporta ng kanyang mga opisyal at tauhan kundi ang kabuoang bilang ng kriminalidad ay pinabagsak ni Eleazar.

Batid natin nang simulang maupo (Hulyo 3, 2016)  si Eleazar ay walang humpay ang kanyang kampanya laban sa droga na nagbunga sa pagkakaaresto ng mga pusher at pagkakapatay sa ilan makaraan manlaban sa operatiba sa mga isinagawang buy-bust operation.

Tatlo ngang pulis na sangkot sa droga ang napatay, kabilang na rito si Sr/Insp. Ramon Castillo, team leader ng District Anti-Illegal Drugs (DAID) dahilan para rin sibakin ni Eleazar ang buong puwersa ng DAID.

Simula 3 Hulyo, patuloy nang bumaba ang kriminalidad sa QC. Partikular  ang robbery, theft, carnapping, motornapping, at physical injury.

Katunayan, kung gagawa tayo ng comparison – Hulyo 2016 kontra Hulyo 2015, aba’y talagang hindi maiiwasang saluduhan ang ipinakitang leadership ni Eleazar sa kanyang mga opisyal at tauhan. Napakalaki nang ibinaba ng krimen sa lungsod.

Sa crime data ng QCPD ng Hulyo 2016 bumaba ito sa 90% (ang carnapping), mula 40 cases noong Hulyo 2015, naging 4 na lamang ngayong Hulyo. Habang sa robbery at physical injury bumaba ito ng 47% – mula 193 cases naging 102  at 194 naging 102 (ayon sa pagkakasunod).

Sa kaso ng pagnanakaw naman, bumaba ito ng 39%. Mulang 391 noong Hulyo 2015 bumaba ito sa 237 para sa kasalukuyang taon.

Samantala, kung ikokompara ang Hunyo 2016 (hindi pa umupong director si Eleazar). Naitala na may 15 cases ng carnapping sa Kyusi habang sa nakalipas na buwan (umupo na si Eleazar) ay may 4 na kasong car theft.  Bumaba ito ng 73%.  Ganoon din sa motornapping na bumaba ng 19% mulang 31 (Hunyo 2016) naging 25 cases na lang ito sa buwan ng Hulyo 2016.

Ang murder ay tumaas nang bahagya dahil sa mga nangyayaring “summary executions” na umano’y kagagawan ng mga vigilante kaugnay sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Ano pa man, batay sa nasabing talaan makikitang  very effective ang kampanya at leadership ni Eleazar sa kanyang mga opisyal at tauhan. Damang-dama kasi ng kanyang mga opisyal at tauhan ang sinseridad ni Eleazar sa pagpapatupad ng kautusan ni Pangulo Duterte kaya 100%  ang kanilang suporta sa kanilang director, para sa kapakanan ng mamamayan.

S/Supt. Eleazar, sampu nang buong puwersa ng QCPD, salamat at naging prayoridad ninyo ang kapakanan ng mamamayan ng lungsod. Saludo ang bayan sa inyong patuloy na paglilinis laban sa kriminalidad sa Kyusi, gayon din sir ang patuloy ninyong pagwawalis sa scalawags sa QCPD.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *