Friday , November 22 2024

Dating vendor sa Quinta market nakaharang ngayon sa kalye

PAGKATAPOS magawa ang gusali ng Quinta market sa Quiapo, Maynila, lalo pa yatang dumami ang mga illegal vendor ngayon sa paligid ng nasabing palengke.

Bakit ‘kan’yo?

Marami kasi sa mga dating nagtitinda sa loob ‘e ginawa nang ‘bahay’ ang lugar na pansamantalang pinagpuwestohan sa kanila sa kanto ng C. Palanca at Quezon Blvd.

Bumalik sila sa lumang palengke, pero ang mga gamit nila ay iniwan doon sa tabi ng PNB.

‘Yung iba naman, doon na mismo nagsipagtinda dahil mas mababa ang binabayaran nilang ‘upa’ o ‘tong.’

Kaysa naman sa bagong gusali na baka nga naman, ipaghahanabuhay lang nila ang nasabing palengke at ipasa sa kanila ang hindi rasonableng singil para habulin ang ginastos sa pagpapagawa ng nasabing gusali.

Magkakandakuba sila sa kahahabol ng kita para maipambayad lang sa bagong palengke.

Kaya siguro mas marami sa kanila ang hindi na bumalik sa loob ng Quinta market.

Ang siste, apektado naman ang mga may tindahan na tinambakan ng gamit ng mga dating taga-Quinta market na ngayon ay ayaw nang bumalik.

Akala ng mga negosyante sa nasabing area, matatapos na ang pagtitiis nila nang matapos na ang palengke, pero maling akala dahil ayaw nang alisin doon ng mga vendor ang kanilang mga gamit.

Sonabagan!!!

‘Wag po kayong magagalit ha, pero sa ganyan ninyong attitude, mababansagan na naman kayong utak-iskuwater.

Gusto na naman ninyo, lahat ng bakanteng puwesto sa inyo?!

Ang isa pang ikinaiinis ng mga store owner, dahil may nakaharang sa harap ng tindahan nila, natatakot tuloy pumasok ang mga customer.

Kaya apektado na rin ang sales nila.

Doon na sila nakaistambay, naglalaro ng pool, nag-iinuman at kung ano-ano pa.

Higit sa lahat nagiging ‘cover’ at tambayan din ng mga snatcher at holdaper.

Paging MPD Plaza Miranda PCP!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *