Ginawaran kamakailan ng National Nutrition Council (NNC) ng Department of Health (DOH) ang pamahalaang lokal ng Caloocan bilang Most Improved Nutrition Program Management.
Sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Heritage Hotel, Pasay tinanggap ni Mayor Oscar Malapitan ang parangal.
Ang Lungsod na ginawaran ng Most Improved Nutrition Program Management Award alinsunod sa mga kompletong “overhaul” ng mga nutrition programs ng pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Malapitan simula pa noong 2013.
“Ito ang bunga ng pagpapanatili ng aming panuntunang “Tao ang Una.” Kung kaya’t patuloy naming gagawin ang lahat ng aming makakaya upang tuloy-tuloy nang mapuksa ang malnutrisyon sa Caloocan,” ani Malapitan.
Samantala, abala rin si Malapitan at ang kanyang mga tauhan sa pagpapatupad ng Oplan Clean Agad, na ang mga lugar na inaakala nilang pinamumugaran ng dengue-carrier mosquitoes ay agad pinalilinisan.
( JUN DAVID )