Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vic, pagtutulungan nina Vice Ganda at Vhong sa MMFF

EXPECT a “Triple V” fight sa darating na Metro Manila Film Festival.  Aber, sino-sino ang mga may kalahok na entry among the stars whose name begin with letter V?

Bagamat minsan na niyang sinabi na hindi siya sasali this year, nang malaman niyang hanggang October ang deadline ng entries ay interesado na si Bossing Vic Sotto to join the race.

Siyempre, expect a Vice Ganda starrer dahil naging tradisyon na ng Star Cinema in fielding an entry na tiyak na patok sa takilya based on MMFF history taon-taon. Obviously though, ibang direktor na ang maaatasang humawak ng Vice Ganda project.

So, who’s the other V?

Ito’y walang iba kundi si Vhong Navarro lang naman via The Return of Mang Kepweng. Sa mga kabilang sa 70s generation, pamilyar ang karakter na ito ni Chiquito (Augusto Pangan in real life) na isang albularyo.

At hindi n’yo ba napapansin? Tila pagtutulungan nina Vice Ganda at Vhong na kapwa mga host ng It’s Showtime si Bossing Vic ng Eat Bulaga!

Hanggang MMFF ba naman, eh, magkalabang mortal pa rin ang mga ito?

But wait, huwag din nating menusin ang partisipasyon ni Ai Ai de las Alas sa festival as she has two entries, pero ‘yun ay kung papasok ang mga  ito. These are Mighty Yaya and Area, parehong drama na tiyak na magbibigay ng acting award sa hitad!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …