Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Selective justice hindi pinalusot (PCC supalpal sa CA)

SINOPLA ng Court of Appeals (CA) ang Philippine Competition Commission (PCC) makaraang aprubahan ang urgent motion ng Globe Telecom na pag-isahin ang petisyon nito at ng PLDT.

Nauna nang tinutulan ng PCC ang konsolidasyon ng mga kaso ng Globe at PLDT, isang hakbang ng anti-trust body na maituturing umanong isang ‘selective justice.’

Ayon kay Globe General Counsel Froilan Castelo, ang desisyon ng CA ay pagbasura sa alegasyon ng PCC na ‘forum shopping.’

“Globe has followed the rules, and that motion to consolidate is just in accordance with Rule 31 of the Rules of Court. This is only but fitting as all Globe’s actions on this matter are well within the bounds of the rules, especially that of PCC’s Memorandum Circular 2016-002. We are disappointed that it is the PCC itself that does not follow the rules – the Rules of Court when it opposes the consolidation of the cases; and their own rules, MC 2016-002,” wika ni Castelo.

Inaprubahan ng CA 6th Division ang konsolidasyon ng kaso ng Globe sa kautusan nito na may petsang Hulyo 28, 2016, at sinabing alinsunod ito sa  Section 1, Rule 31 ng Rules of Court.

Ang Globe at PLDT ay nagsampa ng magkahiwalay na petisyon upang obligahin ang PCC na ideklara ang transaksiyon bilang ‘deemed approved’ sa ilalim ng kanilang  MC 2016-002.

Sa kanilang urgent motion for immediate consolidation, ipinaliwanag ng Globe na ang pagkakatulad ng mga isyu at ‘factual antecedents’ na iniharap sa mga petisyon ng Globe at PLDT ay malinaw.

Idinagdag ni Castelo, maliwanag na nilabag ng PCC ang sariling alituntunin sa pagsasabing ang dalawang telcos ay nabigong tumugon sa sarili nitong kautusan.

“We urge the PCC to uphold the law which is also their mandate.  For business, their inconsistent application of the law is dangerous,” ani Castelo.

Taliwas sa pahayag ng PCC na hindi nakikipagtulungan ang telcos, sinabi ng Globe na nakikipag-ugnayan sila sa government body. Nagkakaloob sila nang higit pa sa mga kinakailangang impormasyon at dokumento.

“These submissions were done in good faith and went beyond what the PCC actually requires by their own rules.  In addition to these, Globe even sought a dialogue with the PCC to explain its position and answer any concern the PCC may have regarding the transaction,” diin ni Castelo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …