NAIS gawing pambansang pensionado ang mga atletang Filipino na mananalo ng medalya sa Olympics.
Sakaling maisabatas ang House bill 14800 ni Aangat Tayo Party-list Rep. Harlin Neil Abayon III, magkakaroon ng kaparehong benepisyo ang mananalong Filipino Olympians sa mga atleta sa ibang bansa.
Sa nasabing panukala, bibigyan ng pribilehiyo ang Filipino Olympian champions na maging tax-free citizen habambuhay, bukod pa sa pagiging pambansang pensionado.
Magsisimula ang nasabing mga pribilehiyo limang taon makaraan manalo ang atleta sa Olympics.
Magpapatuloy ito hanggang sa 20 taon o hanggang sa edad na 60 depende sa naisin ng atleta.
Ang mga atletang ito ay makatatanggap ng P10,000 kada buwan.
Kasama sa mga benepisyo ng nasabing panukala ang mga dati nang nanalo sa Olympics.