Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayamang negosyante, pinagtataguan si Showbiz mother

SA isang salo-salo ito na ang bumabangka ay isang mayamang negosyanteng babae. Ikinuwento niya kung paanong nagsimula ang pagiging malapit nila sa isa’t isa ng isang showbiz mother.

“Kinuha kami pareho para mag-anak sa binyag, kaso wala siyang kapartner kaya ako ang ipinares sa kanya,”  simulang kuwento ng businesswoman na simple lang kung gumayak pero hitsura ng walking ATM sa rami ng datung.

Mula noon ay dumikit na raw sa kanya ang showbiz mom, napagbentahan pa nga siya nito ng mga mamahaling alahas. ”Pero noong ipina-appraise ko, naloka ako, mababa ang uri pero siningil niya ako ng pagkamahal-mahal!”

Pero hindi roon natuldukan ang kanilang ‘ika nga’y friendship for convenience. ”One time, tumawag ‘yan. ‘’Day, saan ka?’ Sabi ko, nasa bahay ako. ‘Yun pala nakapasok na siya sa bahay ko, nasa sala. ‘’Day, dito ako sa ibaba n’yo, bumaba ka na.’ Pero noong sumunod na pagpunta niya sa bahay ko, pinagtaguan ko na talaga siya!”

Eto pa ang kuwentong ikinabaliw ng businesswoman. ”One time, medyo sinuwerte ako sa casino. Eh, nandoon siya, kasama ‘yung driver niya. Siyempre, inabutan ko naman siya. Inabutan ko rin ‘yung driver. Sabi ba naman niya sa driver niya, kaharap ako, ha? ‘Oy, ibabawas ko ‘yan sa suweldo mo, ha?’ Hay, naloka talaga ako!”

Da who ang showbiz mom na itey? Itago na lang natin siya sa alyas na Sampaguita Romulo.

 ( Ronnie Carrasco III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …