Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Creative staff ng show ni Marian, suko na

PROBLEMADONG-PROBLEMADO ang staff ng pang-umagang programa ni Mrs. Dantes, and why? Listen up.

“Juice ko, ginawa na naming lahat ang pag-iisip kung paano pagagandahin ang show at mag-rate ito pero waley pa rin! Inilipat na kami ng ibang time slot pero Luz Valdez pa rin kami sa katapat na show! Sa totoo lang, hindi na namin alam ang gagawin, naloloka na kami!” sey ng isang staff.

Siyempre, hindi masaya ang mga nasa “kataas-taasan” sa performance na ito ng programa ng tinagurian pa manding Primetime Queen gayong wala naman sa primetime block ang show niya.

At kapag ganito ang scenario, we know what to expect. Bibilang na lang ng ilang morning, at ‘yun na…goodbye program!

Pero teka, mayroon nga palang fantaserye si Mrs. Dantes sa primetime. Ang tanong: nagre-rate rin ba ito?

Sadly, the answer is also a BIG no!

Tsk, tsk, tsk, we feel so depressed for Mrs. Dantes with her career developments on TV.  Sabihin man kasi nating pumapalo sa ratings ang kanyang Sunday program, sole credit should not go to her dahil hindi naman siya ang nagdadala ng programa.

And to top it all, wala rin sa primetime ang show na ‘yon at hindi ‘yon prodyus ng estasyong nagproklama sa kanya bilang Reyna, ‘no!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …