Friday , November 15 2024

4 sports officials guilty sa overpriced equipment — Sandigan

HINATULAN ng Sandiganbayan na guilty ang apat opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) at dalawang opisyal na supplier ng sports equipment.

Ayon sa Sandiganbayan, makukulong mula anim hanggang 10 taon ang kasalukuyang PSC Deputy Executive Cesar Pradas, mga dating opisyal na sina Simeon Gabriel Rivera, Marilou Cantancio at Eduardo Clariza.

Inihayag ng korte, dapat silang panagutin sa paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act bunsod nang maanomalyang pagbili ng mga equipment na ginamit noong 2007 Southeast Asian Games Philippine cycling team.

Sinasabing overpriced ang kontrata nang mahigit na P671,200 na ini-award ng Elixir Sports.

Ang dalawang opisyal ng kompanya na sina Roberto at Lawrence Andrew Magaway ay hinatulan ding guilty.

Napatunayan ng mga prosecutor mula sa Ombudsman, noong Disyembre 2007, sina Pradas at mga kasamahan ang siyang namahala sa procurement ng sports equipment na nagkakahalaga ng P2.3 milyon sa kabila na hindi dumaan sa tamang proseso ng bidding at eligibility check ng supplier.

Maging si Magaway ay umamin daw na alam nila ang bidding bago pa man ang posting ng PSC.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *