Monday , December 23 2024

2 NDF consultants pansamantalang pinalaya (Para sa peace talks sa Norway)

080616 NDF Peace rali
NAGPAKAWALA ang grupo ng mga madre at lider ng militanteng magsasaka ng kalapati bilang simbolo ng pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan ng National Democtratic Front at ng pamahalaan, sa ginanap na press conference sa isang kombento sa Quezon City. ( ALEX MENDOZA )

PANSAMANTALANG pinalaya ng Supreme Court ang dalawang consultants ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na magiging bahagi ng peace negotiations ng pamahalaan at NDFP sa Oslo, Norway.

Kasunod nito, nanawagan ang Office of the Solicitor General (OSG) na pagbigyan din ng SC ang kanilang hirit na palayain na rin ang nakadetineng political prisoners.

Kabilang sa mga binigyan ng provisional liberty para sa peace talks sina NDFP consultants Vicente Ladlad at Randall Echanis.

Kinatigan ng Korte Suprema ang kanilang pansamantalang kalayaan makaraan maglagak ng P100,000 piyansa.

Sa resolusyon ng SC en banc na may petsang Agosto 2, 2016, kasama rin sa pinalaya si dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo ngunit hindi siya kasama sa peace talks na magsisimula sa Agosto 20.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng SC ang dalawa na sundin ang mga inilatag na kondisyon ng korte at binigyang-diin ang pansamantalang kalayaan ni Ladlad at Echanis ay para lamang pagbigyan ang kanilang pagdalo sa informal peace negotiations sa Oslo na inaasahang tatagal hanggang anim na buwan.

Pagkatapos ng peace talks, obligado ang dalawa na bumalik sa bansa at pinayuhan na mag-report sa Philippine Embassy sa Norway.

Kung maaalala, kinasuhan ang tatlo makaraan ang sinasabing pag-utos sa pagpatay sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) na pinaniniwalaang mga espiya ng gobyerno sa ilalim ng tinaguriang “operation venereal disease.”

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *