Friday , November 15 2024

Pangalan sa drug list kinokompleto pa (Bago ibunyag ni Digong)

NILINAW ng Palasyo na hindi nagmamadali si Pangulong Rodrigo Duterte na pangalanan ang iba pang mga opisyal at personalidad na sangkot sa ilegal na droga.

Sinabi ni Presidential Management Staff chief Sec. Bong Go, nais muna ni Pangulong Duterte na makompleto ang listahan para isahan na lang ang pagbanggit ng mga pangalan.

Una rito kamakalawa ng gabi, muling nasentro sa kampanya laban sa ilegal na droga ang mensahe ng pangulo at nabanggit ang Sinaloa drug syndicate.

Inihayag ni Duterte, nasa labas ng bansa at mga foreigner gaya ng mga Chinese, ang bigtime drug lords.

Kaya uunahin daw niyang ubusin ang mga runner o tinyente ng drug lords sa bansa para wala na silang mabentahan at maparalisa ang kanilang operasyon.

Halimbawa ni Duterte, sa barkong nasa karagatan iniluluto ang shabu at inihuhulog malapit sa Filipinas at sasalpakan ng GPS para ma-monitor kung saan mapadpad at saka sasalubungin ng mga alipores.

Nilinaw ni Pangulong Duterte, hindi lamang krisis kundi isang giyera laban sa droga ang kanyang kinakaharap.

Sa nasabing event sa harap ng mga miyembro ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa Malacañang, sinabi ng presidente, hindi siya naniniwala na ang sumukong drug users na umaabot sa 700,000 sa buong bansa ay gumagamit lamang ng illegal drugs kundi pushers din.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *