Friday , November 15 2024

Mocha bilang consultant, itinanggi ng Customs

TODO paliwanag ang Bureau of Customs sa unang pahayag na napipisil para maging “social media consultant” ng ahensiya ang sexy singer/dancer na si Margaux “Mocha” Uson.

Ayon kay BoC Commissioner Nicanor Faeldon, na-misquote lamang siya at hindi itatalaga si Mocha sa nasabing posisyon ngunit maaari raw magsulat ng articles tungkol sa BoC lalo’t isang active blogger ang 34-anyos performer.

Pahayag ito ni Faeldon makaraan agad ulanin ng batikos mula sa mga kritiko ang tila kompirmadong appoinment kay Mocha na agad nag-trending o usap-usapan.

Kung maaalala, nagpapatupad ng ilang sweeping reforms si Faeldon sa Customs na inilarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isa sa corrupt na government agency.

Dagdag niya, nag-volunteer si Mocha na tumulong sa pagkalat ng lahat ng impormasyon at agenda ng ahensiya, gayondin ang pag-improve sa social media activities ng BoC.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *