GHOST month nga pala ngayon.
Bigla naming naalala ang mga ghost scam — gaya ng ghost employees.
Isa sa mga politikong nasampahan ng kaso sa Ombudsman dahil sa ghost employees ay si re-elected Quezon City councilor Roderick Paulate.
Akala natin, mahilig magpatawa si Konsehal.
Pero puwede rin pala siyang ‘magpaiyak’ gamit ang pondo ng bayan.
‘Yun lang, mukhang mahaba ang suwerte ni Konsuhol ‘este’ Konsehal. Mantakin ninyong matapos hatulan (dismissal from office) ng Ombudsman na guilty sa falsification of public documents at illegal na paggamit ng pondong P1.125-M nakaraang Enero 2016 ay nakatakbo at nanalo na naman nitong nakaraang eleksyon?!
Ang buenas talaga ni Konsehal.
Ano bang strategy ang ginagamit ng mga adviser ninyo Konsehal Paulate at lusot na lusot kayo sa lahat ng iregularidad ninyo?
Ibang klase rin talaga.
Noon, nanghihinayang pa tayo kay Konsehal Paulate pero dahil mukhang wala naman siyang remorse sa kasong kinaharap niya at tila nagyayabang pa ‘e tuluyan nang naghulas ang natitira nating respeto sa kanya.
By the way, tiyak mayroong isang talunang politiko na hihingin at gagayahin ang advise ninyo Konsehal Paulate dahil nahaharap din siya sa sangkatutak na kaso ng ‘ghost employees.’
Turuan mo nga!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com