Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kikay at Mikay, nakaka-aliw at talented na mga bata!

00 Alam mo na NonieNAPANOOD namin ang ilang mga video post sa Facebook nina Kikay at Mikay at sobra kaming naaliw sa dalawang talented na bata. Magaling kasi sila sa sayawan, pagkanta at pag-arte, na siyang tampok sa mga naturang video. Viva contract artist na ang mga bibang batang ito, binigyan sila rito ng five year contract.

Si Kikay ay seven years old, samantalang si Mikay ay ten years old naman. Kahit nasa showbiz na sila, kapwa hindi pinapabayaan ng dalawa ang kanilang studies.

As early as three years old pa lang si Kikay at five years old pa lang si Mikay ay hilig na nila ang kumanta at mag- acting. Pero kahit magagaling na sa pagkanta, nalaman namin sa mother ni Kikay na si Mommy Diana Jang na nagvo-voice at piano lessons pala ang dalawa. “Opo Tito, MWF at Saturday. Kapag Saturday, whole day, it depends kung walang lakad,” saad sa amin ni Mommy Diana.

Sa ngayon ay ginagawa na ang kanilang unang pelikula na pinamagatang Field Trip. Drama ang pelikula at ang aktor na si Mike Magat ang director nito.

Ayon pa kay Mommy Diana, on location ang shooting nito. Una ay sa Laguna, tapos ay sa Baguio naman. Pero kahit sa malalayo ang shooting, masaya raw sina Kikay at Mikay dahil hilig kasi nila talaga ang kanilang ginagawa. Plus, marami daw silang nagiging kaibigang kasama sa naturang pelikula.

Sa aming panayam sa kanila noon kung sinong paborito nilang actor, ito ang sinabi ni Kikay: “Si James Reid po, kasi guwapo po siya tsaka magaling umarte.”

Crush mo rin ba siya? “Hindi naman po masyado, favorite ko rin po kasi si Nadine. ‘Tsaka po si Richard Gutierrez, favorite ko rin siya. Si Megan Young po favorite ko rin, kasi po gusto ko rin po maging Ms. World,” saad pa ng cute na si Kikay.

Sino naman kaya ang favorite ni Mikay? “Ang favorite actor ko po ay si Daniel Padilla, kasi guwapo po siya at magaling umarte.”

Ayon pa kay Mommy Diana, supportive ang ama nito sa kanyang pagpasok sa showbiz. “Supportive siya, kasi may pamangkin din siya sa Korea na nagso-showbiz. Wala namang bawal, basta huwag lang daw pababayaan ang pag-aaral.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …