IPINABUBUWAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aniya’y “oligarchs” o malalaking negosyanteng financier ng ilang politiko sa bansa.
Sinabi ni Pangulong Duterte, kabilang na rito si Roberto Ongpin na sangkot sa malaking operasyon ng online gambling at namamayagpag mula pa noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Kasabay nito, muling nagbabala si Pangulong Duterte sa ibang “oligarchs” na tapusin na ang contractualization sa kanilang mga manggagawa kundi ay papatayin daw sila.
Iniutos na raw niya sa labor secretary na silipin ang rekord ng mga sinasabing negosyante at agad ipasasara kung mahanapan ng basehan at paglabag sa batas ng paggawa.