Monday , November 25 2024

911 gamitin nang tama huwag salaulain!

SA ibang bansa ang 911 ay isang mahalagang numero na hindi kailangan biruin o paglaruan.

Mabagsik na parusa ang haharapin kahit sino pa ang naglaro o nagbiro sa nasabing numero.

Pero dito sa atin, parang mga adik daw na nagti-trip ang prank callers sa 911.

Hindi natin alam kung gusto ba nilang ‘makakurot’ kahit kaunti kina Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at kay Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa matinding kampanya kontra illegal na droga o talagang kultura na ng ilan nating mga kababayan ang mang-goodtime?!

Mantakin n’yo naman, mas marami pa ang natanggap na prank calls ng 911 kaysa ‘yung mga seryosong tawag?

Nakikiusap tayo sa ating mga kababayan na huwag konsintihin ang mga maling asal gaya nito.

Paano kung isang araw ‘e biglang kayo na pala ang mangailangan ng tulong, pero dahil nabuwisit na ‘yung mga taga-911 ‘e hindi na kayo sinaklolohan?! Irespeto po natin ang mahahalagang bagay na malaki ang maitutulong sa atin bilang mga mamamayan.

‘Yung 911 po ay ginawa para sa mga kababayan natin na kailangang-kailangan ng tulong sa oras ng kagipitan at problema sa seguridad.

Ilang halimbawa po rito ang mga pasahero na nabibiktima ng mga driver na adik, rapist at nakahandang pumatay maatapos gawin ang krimen.

O kaya pinasok ng magnanakaw na armado ang inyong bahay at kailangang-kailangan na makatawag ng saklolo.

Matinding aksidente sa kalye na kailangan ng mabilis na responde mula sa mga kinauukulan.

O iba pang insidente o tulong medikal na kailangan daluhan o saklolohan agad.

Ganyan po kaimportante ang 911, kaya hindi dapat pinaglalaruan.

Huwag po hintayin ng prank callers na dumating ang panahon na kapag sila ang nangailangan, wala na silang masusulingan.

Pahalagahan natin ang 911!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *