SA aminin man o hindi ni Maine Mendoza, habang inilalapit ni Alden Richards ang sarili nito sa entertainment press ay siya namang laki ng distansiya ang kanyang nililikha mula sa aming hanay.
Pahintulutan n’yo kaming ibahagi ang kuwento ng isang kasama sa panulat noong panahong bagong salta lang sa showbiz ang noo’y kadarating pa lang sa bansa na si Ariel Rivera mula sa Canada.
Known for his skills in managing performers ay si Boy Abunda noon ang may hawak ng singing career ni Ariel.
Hindi namin naitanong kung ‘yun ang kauna-unahang pagpapatawag ng Backroom, Inc. ng pa-presscon para kay Ariel, pero isa lang ang tiyak, hindi nagustuhan ng press ang ginawang pagsagot-sagot ni Ariel sa isang may-edad na at respetadong reporter nang wala man lang paggalang.
Ang ending: nag-walk out ang lahat ng mga dumalo ng event na ‘yon, resulting sa mga sunod-sunod na bira kay Ariel.
Kung tutuusin, hindi pa nga raw todo-todo ang mga tiradang ‘yon, tinitingnan na lang daw kasi ng press si Kuya Boy na magiliw at mabait naman sa pakikitungo sa mga ito.
Batay sa kuwentong ito, natatakot kami para kay Maine na hindi malayong pag-aklasan din ng press with the kind of distorted, convoluted mind na mayroon siya.
It can be worse kaysa sa sinapit ni Ariel dahil sinong manager ang isasaalang-alang ng press, si Malou Choa-Fagar?
Hindi ba’t balitang maging si Tita Malou ay hirap na ring rendahan si Maine? In short, suko na sa “kagagahan” ng hitad?
Maine should take it from Alden. Ang aktor na mismo—sa kabila ng kanyang buhol-buhol sa work schedule ang gumagawa ng paraan para maisingit ang pakikibagay sa press (although hindi kami imbitado sa kanyang thanksgiving event kamakailan).
Pero mukhang matigas si Maine, she won’t bend over para lang i-please ang press na inaakala niyang nagdidikta kung ano ang dapat niyang iasal at kung ano ang hindi dapat.
Samantala, tough luck sa mga “troll” na tagahanga ni Maine na balitang naglulunsad ngayon ng signature campaign para ireklamo si Cristy Fermin sa KBP at MTRCB.
Kung paramihan din lang ng mga kakampi ang pag-uusapan, between Tita Cristy and Maine ay ‘di hamak namang mas marami ang nasa likod ng batikang kolumnista at radio anchor na sumusuporta at naniniwala sa mga opinion nito tungkol kay Yaya Dub.
Sa panahong namumuro na si Maine sa press, tingnan lang namin kung hindi mabahag ang buntot nito isa sa mga araw na ito.
Her troll-supporters included!
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III